Una sa Balita

Tiwala ng publiko sa Kamara markado

0 364

Hayag na sinusubaybayan ng mga Pilipino ang kanilang mga mambabatas at ito’y makikita sa resulta ng pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey, kung saan binigyan nila ang Mababang Kapulungan ng Kongreso, sa ilalim ng pamumuno nina Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Martin Romualdez, ng +49 percent net approval rating.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means, ang naturang mataas na iskor ay malinaw na pahiwatig ng paghanga ng publiko sa kahanga-hangang mga nagawa ng pamunuan, mga komite at lahat na kasaping mga mambabatas ng Kamara sa loob ng kulang sa tatlong buwan na nagbunga ng matagumpay na mga kaganapan.

Sa survey ng SWS, lamabas na 64% ng mga Pilipino ay umapruba sa pamumuno ni Cayetano, habang 14% naman ang hindi katig.

Kaya net 49%’ang naging iskor, na pinakamataas sa kasaysayan ng Kamara, na katulad din ng resulta ng naunang survey ng Pulse Asia.

Saklaw ng dalawang survey ang third quarter ng taon na unang tatlong buwan naman ng Kamara sa ilalim ng bagong pamunuan nito.

Kasama sa mata­gumpay na nagampanan ng Kamara ang masalimuot na trabaho at pagpapatibay ng 2020 General Appropriations Act o pambansang budget na tinapos nila sa loob ng isang buwan lamang, at ang pag-apruba sa ilang mahahalagang repormang batas sa pananalapi gaya ng alcohol and vape tax, Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act (CITIRA), Passive Income and Financial Intermediary Tax Act (PIFITA), Retail Trade Li­beralization Act, at iba pa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy