Una sa Balita

Tiwala ng Pinoy sa Pangulo lalong tumitibay

0 352

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) para sa 4th quarter ng taong 2019, umangat sa “Excellent” ang public satisfaction rating sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa “very good” rating na natanggap niya noong September 2019.

Batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas noong Lunes sa 1,200 respondents ay umabot sa 82% ng mga Pilipino ang kuntento sa ginagawa ng Pangulo, habang 10% lamang ang dissatisfied. Walong porsiyento naman ang “undecided”.

Hindi maikakaila ninuman na ang pagtaas na ito sa bilang ng mga Pilipino na natutuwa sa ginagawa ng Pangulo ay isang patunay na hindi nagmamaliw ang positibong pananaw sa mga hakbang ng gobyerno upang tugunan ang mga karaniwang usapin na madalas nilang kinakaharap.

Sa harap ng mara­ming batikos mula sa mga kritiko’t oposisyon sampu ng mga kalamidad na humambalos sa ating bansa sa huling bahagi ng 2019, sino ang mag-aakalang umangat pa sa “Excellent” mula “Very Good” ang pagtingin sa pangasiwaan?

Tumaas ng apat na porsiyento ang rating ng Presidente mula sa 78% kumpara sa resulta ng September-December 2019 survey. Ang rating na ito ay ang pinakamataas na natanggap ni Pangulong Duterte matapos niyang malagpasan ang personal record niya noong July 2019.

At sa tingin ng Kalihim Natin, hindi dito magtatapos ang mataas na gradong binibigay ng taumbayan sa kasalukuyang pambansang pamunuan. Una, inilunsad na ng Presidential Communications Operations Office ang Duterte Legacy Campaign na gumigiit sa mga ginawang proyekto at programa ng admi­nistrasyon sa nakalipas na tatlong taon.

Pangalawa, marami pang programa ang ilulunsad sa mga susunod na linggo kasunod ng mga mga bagong polisiya’t batas na siyang magbubunsod sa mga pinag-ibayong hakbang at mga gawain ng gobyerno.

Halimbawa ay ang pagbuo ng Pangulo sa Inter-agency Task Force on Zero Hunger sa pamamagitan ng Executive Order No. 101. Ilalagay nito ang mga programa at proyektong may kaugnayan sa pagkain sa ilalim ng iisang Task Force at iisang tagakumpas upang mas agresibo nating makamit ang #goodbyegutom sa lalong madaling panahon.

Ang panibagong record-high satisfaction rating ng Pa­ngulo ay indikasyon na pa­tuloy na nagtitiwala ang taumbayan at ito rin ay magsisilbing inspirasyon sa a­ming nasa pambansang pangasiwaan na lalo pang paghusayin ang pagganap sa aming sinumpaang tungkulin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More