Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tiwala ng negosyante kailangan sa Maynila – Lopez

0 48

Sa gitna ng mga usapin na nahaharap umano sa P25 bilyong utang ang pamahalaang Lungsod ng Maynila, ipinaha­yag ni mayoralty candidate Atty. Alex Lopez na tanging ang pagpapasigla ng ekonomiya at pagbabalik ng tiwala ng mga negosyante ang solusyon para mabayaran ang mga pagkakautang na babalikatin ng mga Manilenyo sa mga susunod na panahon.

Bilang isang ekonomista, sinabi ni Lopez na naniniwala siya na sa ilalim ng tamang pagtitimon ay kaya namang bayaran ang sinasabing pagkakautang ng lungsod. Kailangan lamang aniya, na ilagay sa tama ang prayoridad partikular sa paggastos ng pondo ng susunod na administrasyon.

Giit ni Lopez na taumbayan ang magbabayad ng malaking pagkakautang ng Maynila. “Ang magbaba­yad po niyan ay ang taong bayan sa pamamagitan ng mataas na buwis, mataas na permit, mataas na licenses… pero kaya nating bayaran pero uunahin muna nating iangat ang buhay ng mga Manilenyo dahil galing ito sa pandemya.”

Aniya pa, ang pagpapasigla ng pagnenegosyo ang susi para ibangon ang ekonomiya ng lungsod na ngayon ay naunahan na ng iba pang lungsod sa Metro Manila gaya ng Quezon City, Pasig City at Makati City.

Leave A Reply

Your email address will not be published.