Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tiu asar sa COVID

0 11


NALAGAY rin sa isolation ang buong team ng Meralco Bolts nang may magpositibo sa mga ito. 

Nakansela ang kanilang laro dahil sa coronavirus. 

Ngayon ay malaya na ang koponan at balik na muli sila sa hard court. 

Ang isa sa coaching staff ng Bolts na si Charles Tiu ay hindi napigilang ihayag sa Facebook ang kanyang inis sa COVID-19. 

“I really hate this covid. It sucks. It’s taken so many lives of people we know. And yes I really miss my wife,” aniya. 

Dagdag nito na maayos na ang kanyang kalagayan matapos tamaan ng coronavirus disease. 

Nagkaroon umano siya ng ilang sintomas noong siya’y madale ng COVID-19, nawalan din ito ng panlasa at pang-moy. Ayon pa kay Tiu ay hassle ang dulot ng quarantine.

“I’m just whining about being in quarantine! What a hassle,” sabi nito. 

Nasa Pampanga pa rin sina Tiu at ang Meralco para sa semi-bubble ng 46th season ng PBA. (Sarah Jireh Asido) 

Leave A Reply

Your email address will not be published.