Una sa Balita

Titulo inanay

By
0 224

Dear Atty. Claire,
Good day po, tanong ko lang po. Ang bahay ko po ay natayo ng 2012, nabili ko po ang lupa 1200/sq.m.

Ang bahay ko po ay 65sq.m. Chineck ko po sa LRA ang status po ng lupa is closed, closing date is Oct.30,2012. Pero may binibigay po siya sa akin na resibo ng amilyar since 2012 lang po kung kelan po ako nakapagpatayo. Year 2012 below di po sila nakabayad amilyar. Mawawala po ba bahay ko pag ka ganon or ano po pwede mangyari? At ano po pwede kong gawin for the safety of my property. Yung titulo po ayaw pakita kesyo naanay, nawala. And pati po resibo ng amilyar parang ayaw pa ibigay.

Salamat po,
Genelyn
Ms. Genelyn,
Unang tanong ko ay kung may hawak ka bang title ng lupa? Sino at anong ahensiya ang ayaw magpakita ng titulo mo? Dapat na ikaw at ang Registry of Deeds kung saan dapat nakarehistro ang lupa mo ay kanya kanyang­ copy ng titulo ng lupa. Kung may hawak ka at ang RD ang hindi makapagpakita ng titulo ay humingi ka ng Certificate na nawawala ang titulo mo at saka ka magsampa ng Petition for Reconstitution of Title.

Kung ang nagbenta naman ng lupa ang hindi makapagbigay ng titulo ay medyo problema iyan. Sa simula pa lamang ng bentahan ay dapat nakita mo na ang original na titulo at kapag nabayaran mo na ng buo at dapat na ibigay na ang titulo sa iyo upang mailipat sa pangalan mo.

Hindi mo rin naman maisasalin ang rights ng lupa at bahay kung hindi niya bayad ang amil­yar ng lupa. Dapat ay naibigay niya sa iyo ang Tax Clearance­ bago mo pa bina­yaran siya ng buo.

Tungkol naman sa amilyar o real proper­ty tax ay dapat na mabayaran mo ‘yan upang hindi­ mapasubasta ng Local Go­vernment ang ari-arian na napundar. I hope na mayroon isang building permit at lahat ng permit na kaila­ngan bago mo pinatayo ang bahay mo upang ma-inspect ng engineering department ng local at maitala sa Office ng Treasurer at Assessor’s Office. Kung hindi mo ito nagawa ay maki­pag-ugnayan muna sa Engineering Department at ayusin lahat ang kailangang papeles upang ma-inspect at maiayos na rin ang resistor ng bahay/building sa Office of the Assessor. Barayan lahat ang amilyar mula 2012.

Ang nakikita ko lamang problema ay baka hindi pa nailipat sa pangalan mo ang lupa dahil ang sabi mo ay hindi pa binibigay sa iyo ang kopya ng titulo. Bayaran din ang amilyar para sa lupa dahil iba ito sa amilyar sa building o improvement.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy