Una sa Balita

Titser sa Laguna, nagbaril sa ulo

By
0 982

WALA ng buhay at naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ang katawan ng isang titser na pinaniniwalaang nagpakamatay sa Cabuyao City, Laguna kamakalawa nang umaga.

Nadiskubre ng kanyang kapatid ang bangkay ng biktimang si Ronaldo Halili y Amarisca, 52-anyos, isang guro at tubong Pangasinan, na nakabulagta sa loob ng kanyang tirahan sa Purok 2, Brgy. Marinig.

Katabi pa ni Halili ang baril na kalibre .45 na ginamit nito sa pagpapakamatay.

Sa pagsusuri ng mga awtoridad, isang tama sa ulo ang ikinamatay ng biktima.

Wala ring nakitang for­cible entry sa tirahan nito kunsaan ito nagbaril at maayos din lahat ng kaga­mitan nito.

Ayon sa mga kaanak, nag-iisa nang namumuhay ang guro mula ng hiwalayan ito ng asawa walong taon na ang nakararaan.

Mayroon umanong mga personal na problema ang biktima na nagbunsod upang ito ay magpatiwakal.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.