Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Titser sa Albay, isang angkan ang tinuturuan

0 139

Isang 22- anyos na guro ng Alternative Learning System ang nagpatayo ng kubo para gawing aralan ng isang buong pamilya na kanyang tinuturuan sa liblib na lugar ng katimugan ng Albay.

Si Teacher Ana Marie ay nagtuturo sa isang angkan mula apo hanggang sa lolo at lola ng mga ito matapos niyang makumbinsing mag-aral. Binibisita niya ito araw- araw gamit ang habal-habal makarating lang sa bulubundukin at liblib na lugar sa Hubilyok sa Albay.

May kabuuang 19 ang bilang ng nasabing pamilya na tinuturuan niya.

Si Lolo Bernardo Mujar, 72, ay nakatapos ng grade 6 samantalang ang kanyang maybahay na si Lola Yolanda ay nakatuntong ng grade 2.

Related Posts

“Salamat sa sakripisyo ni Teacher Ana,” pahayag ni Lolo Bernardo .

Ayon kay Lola Yolanda na ngayon ay isang Senior High School na, nais niyang madagdagan pa ang kanyang kaalaman gaya ng pagsusulat at pagbabasa.

Malaking hamon umano ito para kay Teacher Ana Marie. Ang itinuturo umano niya ay Basic Literacy, Elementary at Senior High School at malaking achievement umano ito para sa kanya.

Tinuturuan din niya ang kanyang mga estudyante na magtanim ng halaman at nagsisilbi rin siyang tagapayo para ayusin ang mga sigalot ng pamilya. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.