Una sa Balita

Titser kritikal sa ambus

By
0 125

Nasa malubhang kondisyon ngayon sa opsital ang isang Alternative Learning School (ALS) teacher matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Tuguegarao City, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng dalawang tama ng punglo sa tagiliran at likurang bahagi ng katawan ang biktimang si Joey Baquiran, 33, guro sa ALS at residente ng Brgy. Anaffunan East, sa lungsod.

Napag-alaman na sakay ng kanyang motorsiklo ang biktina habang tinatahak ang kalsada sa Brgy. Caritan Sur nang biglang barilin ng dalawang hindi nakilalang suspek na lulan din ng motorsiklo at nakasuot ng helmet.

Patuloy pang iniimsetigahan ng pulisya ang posibleng motibo ng pananambang at maging ang pagkakakilanlan ng mga gunmen.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy