Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Titser buwis buhay sa aso

0 69

Patay ang isang guro habang sugatan ang angkas nito makaraang iwasan ng sinasakyan nilang motorsiklo ang patawid na aso at bumangga sila sa kasalubong na kotse sa Libmanan, Camarines Sur, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Gerald Guaves, 24, Junior High School teacher, ng Minalabac National High School. Nasa pagamutan naman ang angkas nitong si John Michael Lasala, 22, kapwa taga-Zone 2 Barangay Mataoroc, Minalabac.

Sa naantalang ulat ng pulisya, naganap ang insidente nitong Sabado ng gabi.

Binabaybay ng mga biktima ang kahabaan ng kalsada lulan ng motorsiklo nang bigla na lang umanong may tumawid na aso.

Iniwasan ng drayber na si Guaves ang aso subalit hindi nila napansin ang kasalubong na kotse na minamaneho ng isang Jimmy Naisod dahilan ng pagsalpok nila dito.

Sa lakas ng impact tumilapon ng ilang metro ang dalawang biktima na ikinasawi ng guro. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.