Una sa Balita

Titser binosohan habang naliligo

0 404

ARESTADO ang isang 34-anyos na lalaki nang maaktuhang ­sinisilipan ang isang teacher na naliligo sa Rosario, Cavite.

Nakakulong ngayon­ sa Rosario Custodial Center ang suspek na si Rolando Aquino, binata, walang trabaho ng DO ­Jimenez St., Brgy. Wawa 1 Rosario, Cavite dahil sa reklamo ni Sharina Prodigalidad, 39, may-asawa ng 100 DP Jimenez St., Brgy. Wawa, Rosario, Cavite.

Sa ulat ni PCpl. Joeyluz Pulasan ng Rosario Municipal Police Station, naliligo ang biktima dakong alas-3:30 kamakalawa ng hapon nang mapansing tila nabaklas ang bubong ng kanilang banyo hanggang sa nakita ang mga matang nakatitig sa kanya.

Nagsisigaw ito at tumawag ng saklolo sa kanilang kapitbahay na tiyempo namang napadaan ang ilang barangay tanod.

Tinangka pa umanong manlaban ng suspek ngunit hindi na rin nakapalag nang tuluyan siyang bitbitin.

Nang kapkapan ang suspek, narekober dito ang 3 pirasong foil strip na naglalaman ng hinihinalang shabu.(Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy