Una sa Balita

Titser 4-oras naglalakad para makapagturo lamang sa mga Mangyan

By
0 556

INIWANAN ni Annie Lee Masongsong ang magaan na trabaho bilang titser sa isang priba­dong eskuwelahan upang magturo sa mga miyem­bro ng tribung Mangyan sa Sitio Labo sa Bansud, Oriental Mindoro.

Ipinagpalit ni Masongsong ang kampanteng buhay upang maturuan ang mga bata, pati na ang kanilang magulang sa malayong kabundukan ng kanilang lalawigan.

“Four years na po ako dito, at ang pag-uumpisa ko dito ay hindi naging madali dahil napakalayo ng lakaran, apat na hours na lakad at tatawid ng 16 waist-deep rivers,” ayon sa guro.

Dahil nasa liblib na lugar ang Labo Elementary School, lingguhan kung umuwi si Masongsong.

“I leave my family every Sunday or Monday at 4 a.m. with my co-teacher and I return home on Fridays. I got used to this set up but sometimes it becomes extra challenging for me in rainy days and the river currents are strong and I need to wait for them to subside,” kuwento pa niya.

Bukod sa mga dinadalang damit, bitbit din niya ang bigas at iba pang pagkain para maengganyo ang mga Mangyan na pumasok sa eskuwelahan.

Inilunsad din ni Masongsong ang mga proyektong Sagip Kalusugan, Bahay Kalingan, Wika Mo Wika Ko, Inuming Tubig Para sa Lahat at Baboy Para sa Pamilya upang mapaangat ang pamumuhay ng mga Mangyan kahit nasa liblib na lugar sila.

Dahil sa mga makabuluhang proyekto ni Masongsong, kabilang siya sa siyam na ginawaran ng Dangal ng Bayan Award ng Civil Service Commission noong Setyembre 27, 2018.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More