Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Titanium bigatin sa Condition Race

0 65

IPINAKITA ni Titanium ang tikas nito sa karera matapos manalo sa Condition Race (24) na pinasibat sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite nitong Miyerkoles ng hapon.

Ipinuwesto si Titanium ng kanyang hinete na si class A rider JA Guce sa bandang hulihan, saka sinipat ang mga nasa unahan na sina Sweetness at Put Atigerinurtank.

Bago sumapit sa far turn ay lumalapit na si Titanium sa unahan, pagdating ng home turn ay nasa pangalawang puwesto na ito.

Nakuha ni Titanium ang unahan sa huling 100 metro ng karera, nanalo pa ito ng may apat na kabayo ang agwat sa pumangalawang si Tontoneeto.

Inirehistro ni Titanium ang 1:33.4 minuto sa 1,400-meter race sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.

Tumersero sa laban si Put Atigerinurtank habang pang-apat si Gee’s Song.

Samantala, siyam na races ang nihanda ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Biyernes. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.