Una sa Balita

‘Tisoy’ nagparamdam sa gymnastics event

0 209

Sa kasagsagan ng pag-eensayo ng mga atleta sa gymnastics event ay hindi nagpahuli at naramdaman pa rin ang lakas ng bagyong Tisoy.

Ala-1:30, Lunes nang hapon, ilang oras bago ang individual apparatus performance ay abala ang mga organizer dahil sa isang problema.

Ito ay ang tulo sa loob ng Rizal Memorial Complex na pumapatak sa pinaglalaruan ng mga atleta.

Sa parallel bars ay makikita na nag­lagay ng dalawang timba para masalo ang tubig mula sa bubong ng stadium.

Naka-standby naman ang mga pamunas maging sa horse pommel apparatus na nalandingan pa ng PH bet na si Carlos Yulo habang nagpapraktis. (Ray Mark Patriarca)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy