Una sa Balita

Tirador ng motorsiklo umiskor

By
0 7

TALAVERA, Nueva Ecija — Muling umatake ang hindi pa nakikilalang carnapper na tumangay ng motorsiklo sa harapan ng municipal gymnasium noong Lunes ng hapon.

Sa ulat ni P/Supt. Joe Neil Rojo, nakilala ang natangayan na si Angelo Valdez Macanas, 16, residente ng Brgy. Maestrang Kikay dito.

Dakong alas-5:30 ng hapon nang iparada sa harapan ng gym ang motorsiklo na may plakang 2443 IK.

Pagkaraan ng ilang sandali nakita ni Macanas na may sumakay at nagpaandar ng kanyang motorsiklo at itinangay ito.

Walang nagawa si Macanas kundi sigawan ang salarin na mabilis na tumakas patungong Vergarra highway, Cabanatuan City.

Noong nakaraang Oktubre 2, ng madaling-araw ay nagsumbong din si Fernando Santiago Verde, 47, ng Brgy. Campos dito na natangayan din ng motorsiklo.

Gumamit umano ng vault cutter ang salarin at sinira ang kadenang nakatali sa motorsiklo na nasa loob ng garahe ng biktima.