Una sa Balita

Tirador ng motor sa Cavite tiklo

0 236

ARESTADO ang isang lalaki na kilalang tirador ng motorsiklo nang maaktuhan habang itinatakas nito ang isang motorsiklo sa kasagsagan ng lakas ng ulan at hangin dulot ng bagyong ‘Tisoy’ sa Tanza, Cavite.

Nasa Tanza custodial center ang suspek na si Eli Boy Comendador Villar, binata, ng Brgy. Paradahan 1, Tanza, Cavite dahil sa reklamo ni Dan Jo Josue Navarro, 25, binata.

Ayon sa pulisya, dakong alas-6:30, kamakalawa nang gabi, nang tangayin ng suspek ang isang nakaparadang motorsiklong Honda (7073WQ) na pag-mamay-ari ng biktima sa harapan ng Q Credit and Lending Corporation sa Brgy. Amaya 1, Tanza, Cavite habang ang mga empleyado nito ay nasa loob ng tanggapan dahil sa malakas na hangin at buhos ng ulan dala ng bagyong ‘Tisoy’.

Subalit napansin nila sa CCTV ang suspek habang tinatangka nitong sirain ang lock ng motorsiklo saka dahan-dahan nitong minaneho papalayo dahilan upang humingi sila ng tulong sa pulisya na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Sa pagkakahuli sa suspek, ilan pang mga nabiktima nito ang dumulog sa pulisya para ireklamo ang parehong modus ng suspek.

Sa datos ng pulisya, ang suspek ang responsable sa mga nawawalang motorsiklo sa Brgy. Tres Cruses ng naturang bayan na naganap noong November 28.

Kasong Carnapping ang isinampa laban sa suspek. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy