Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tirador ng bike timbog, 14 ninenok nabawi

0 69

Arestado ang notoryus na tirador ng bisikleta at nabawi ang 14 na bisikleta na kanyang ninakaw sa Pardo, Cebu City nitong Biyernes. Kinilala ang suspek na si Osbaldo Osabel Cabase alyas JunJun, 42.

Nakuha sa pag-iingat nito ang walong bisikletang kanyang ninakaw habang ang anim na ninakaw niyang bisikleta ay nakuha naman sa mga taong kanyang pinagbentahan.

Base sa ulat, nag-ugat ang pagkakadakip sa suspek matapos na humingi ng tulong sa Talisay City police ang isa sa kanyang nabiktima na si Nicole John Esguerra, 19-anyos.

Agad namang nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya at tinignan ang CCTV footage kung kailan ninakaw ang bisikleta ng biktima at doon na nakilala ang suspek.

SM food to go Banner Ad

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya dahilan ng pagkakaaresto ng suspek nitong Biyernes Santo ng hapon sa Pardo, Cebu City.

Bukod sa walong bisikleta na pawang nakaw ay nakuhanan din ng dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu ang suspek.

Samantala matapos mahuli ang suspek ay dinagsa ito ng reklamo sa himpilan ng pulisya dahilan upang mapilitan pa itong ituro kung saan niya naipagbili ang anim na bisikletang kanyang ninakaw at matagumpay namang nabawi ng pulisya.

Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng pulisya kung kakasuhan ang mga bumili ng nakaw na bisikleta sa suspek. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.