Una sa Balita

Tipster kontra droga, krimen bibigyan ng reward ng Antipolo City

0 13

Nakaisip ng paraan ang Lokal na Pamahalaan ng Antipolo City para mahikayat ang mga mamamayan na tumulong sa kanilang kampanya kontra droga at kriminalidad.

Ito ay sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya tulad ng cellphone.

Sa pamamagitan ng text, maaaring magsumbong ang isang mamamayan ng problema sa droga o posibleng krimen sa kanilang lugar na hindi na kailangan ibigay ang kanyang pagkakakilanlan.

At dahil sa impormasyon, maaaring makatanggap ang tumulong sa Antipolo LGU ng libu-libong pa­saload bilang pabuya depende sa bigat ng krimen na isinumbong.

Sa ganitong paraan, ligtas ang nagbibigay ng impormasyon at wala ring abala dahil hindi na niya kailangang iwan ang kanyang tahanan para lamang magbigay ng impormasyon.

Maaaring mag-text sa numerong 0917-3086721 o magpadala sa facebook page ng Antipolo City o sa email sa antipolocitygov@gmail.com, ang sinumang may impormasyon tungkol sa krimen o laban sa droga.