Una sa Balita

Tips sa pag-a-apply sa trabaho

By
0 96

May tamang diskarte po sa paghahanap ng trabaho. Mahirap umasa sa suwerte kaya dapat pagplanuhan ang buong proseso ng pag-a-apply.

Para mapabilis ang inyong job search, makakatulong ang pagpunta sa job fair, pagbabasa ng classified ads, at pag-log-in sa mga job portals tulad ng Philjobnet, Jobstreet, at JobsDB.

Narito ang ilan pang mga tips:

Abante Hiring – IT dep

1. Magdesisyon kung ano ang trabahong gusto at iyon ang hanapin. Saang trabaho ka ba babagay at magiging masaya ayon sa iyong hilig at kasanayan? Gumawa ng makatotohanang resume o bio-data at hanapin na ang trabahong laan sa iyo.

2. Kumpletuhin ang application form. Pag-apply mo, personally o online, kadalasa’y pasasagutin ka ng application form bukod sa resume. Sa pagsagot, mag-focus sa iyong mga kalakasang akma sa trabahong pinapasok. Kung sakto ang sagot mo sa hinahanap ng kompanya, maisasama ka sa ‘short list’ o mapipili ka para ma-interview.

Related Posts

3. Sa interview, sumagot nang diretso at ma­ging confident. Kikilatisin ng HR ang iyong personalidad at pakiki­pagtalastasan.

Susu­bukin kung totoo nga ang inilagay mo sa resume at sa application form. Mainam kung magpa-praktis sa pagsagot.

4. Ihanda ang mga dokumentong kailangan para ma-deploy kaagad. Pangunahin po dito ang iyong Diploma o National Certificates (NC) mula sa TESDA. Kadalasan hindi ka makakapagsimula agad hangga’t wala ka ng mga dokumentong ito.

Author po tayo ng Senate Bill 1426 na nagsusulong na gawing libre para sa mga first-time job applicants ang mga bayarin sa pagkuha ng mga kailangang dokumento sa pag-a-apply sa trabaho tulad ng birth o marriage certificate, NBI at police clearance, at mga ID’s tulad ng TIN, SSS, Pag-IBIG, PhilHealth, atbp. Kung libre na ang pagkuha ng pre-employment documents, ‘di po ba mas gaganahan kang mag-apply at ma­ging produktibo?

Marami pong available na trabaho, kailangan lang ng tamang diskarte para mapasok sa trabahong gusto n’yo.

Patuloy naman po tayong gagawa ng mga panukalang batas para mapadali ang paghahanap at pag-a-aapply ng ating mga kababayan sa hangad nilang trabaho.