Tipid kuryente sa tag-ulan hinirit

Pinayuhan ng Department of Energy (DOE) ang publiko na magtipid ng kuryente kahit panahon na ng tag-ulan.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni DOE Director Patrick Aquino, kinilala niya ang tulong ng publiko sa wais umanong paggamit ng enerhiya dahil walang naranasang matagalang power interruptions.
Dahil dito kung kaya’t patuloy aniya nilang hinihikayat ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente kahit panahon na ng tag-ulan lalo pa’t inaasahang makatitipid sa konsumo ng kuryente dahil mababawasan ang paggamit ng ilang appliances tulad ng aircon at electric fan.
Nagbahagi rin si Aquino ng tipid tips tulad ng regular na paglilinis ng aircon at electric fan at kung gagamit aniya ng aircon ay huwag itong tataasan ng higit pa sa 23 degress celsius thermostat. Tanggalin din sa saksakan ang mga ito kung hindi naman ginagamit.