Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tinututukan ng sambayanan: John Ibanez bigatin ang mga guest sa ‘Politiko Live’

0 192

May bagong kinagigiliwan, kinaaliwan, binabantayan, tinututukan ngayon sa online. At `yon ay walang iba kundi si John Ibanez, ang host ng Balitaan At Kamustahan, na napapanood sa Politiko Live mula Lunes hanggang Biyernes ng alas-dose ng tanghali.

Eh kasi naman, puro makabuluhan, kontrobersiyal ang mga kuwentuhan.

Imagine, kasisimula pa lang ng Balitaan At Kamustahan nitong Nobyembre 16, pero puro bigatin na agad ang mga nakakabalitaktakan niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Una na nga si Cong. Vilma Santos Recto, na hindi man aktibo sa showbiz, at madalang na makausap ng mga showbiz media, pero hayun at malayang nakipaghuntahan kay Mr. Ibanez.

Ang dami ngang napulot na bagong kuwento sa guesting na `yon ni Ate Vi kay Mr. Ibanez.

At nitong Nov. 30 naman ay si Atty. Percida Acosta ang guest niya, at nakakagulat din ang mga rebelasyon sa usapan na `yon.

Anyway, mas marami pang dapat abangan na malalaking personalidad ang makiki-one-one-one kay Mr. Ibanes, kaya tutok lang sa Facebook page na politics.com.ph, Twitter @politiko.ph, Instagram @politiko_ph, at YouTube channel @politikoTV. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.