Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tinuksong paminta, girl, BB, barbie: Ion Perez nahawa sa ‘kabaklaan’ ni Vice Ganda

0 724

Dahil lang sa isang simpleng pag-upo habang nagsi-selfie, kung ano-ano na ang ibinatong tukso kay Ion Perez, ang dyowa ni Vice Ganda.

Sinimulan ni fornriel ang komento na; “Lutoooo naaaa ang adobo… wait! Konting paminta pa nga.”

Well, para sa mga hindi nakakaalam, pag sinabing paminta, ang meaning noon ay bading na nagpapakalalaki. Paminta dahil pa-min (men) ka!

In short, inakusahan niyang bading si Ion. At bongga, dahil hindi naman nagpakabog si Ion, na basta-basta na lang siya lalaitin ng netizen.

Ang sagot niya: “@fornriel aba nakapagluto kana ng adobo? Ubos na ba ang basura sa brgy nyo? Hahahaha!”

Oh, di ba? Mas mataray sumagot ang lolo niyo, diba?

Eh, humirit pa si misisjersey na: “Soon to be Bibi Gandang Hari (BB Gandanghari). Hehe!”

Kaloka, di ba? Kaya naman, super talak din ang dyowa ni Vice na:

“@misisjersey kamuka mo aso mo! Wag naman sana pati ugali sayang ang aso!”

Aray ko, kaloka! Super tagos sa dibdib ang reply, di ba?

Eh, sabi pa nitong si itsyour_vonjay: “Sabi kona Barbie e.”

Kaya ang hirit ni Ion: “@itsyour_vonjay isa pa tong mukang trapal ng motor! Pero wag na ikaw alala may pakinabang ka, kasi lagi ulan ngayon ok?”

Well, heto pa ang dagdag ng komento ng mga netizen:

edwin8001 “Girl na girl lol.”

abethmendejar; “Hala parang bayot na?”

Pero siyempre, sangkatutak din ang nagtanggol kay Ion. Isa na nga rito si mariepotpotpot

Mariefe Ramos (@mariepotpotpot) • Instagram photos and videos
178 Followers, 83 Following, 43 Posts – See Instagram photos and videos from Mariefe Ramos (@mariepotpotpot)

: “Oh please. Normalize sitting like that. Porket nakaganyan, bakla? Hello, ang dami kong kaklase na ganyan umupo pero mga lalaki. Generalizing huh? Toxic niyo. Lahat na lang issue.”
Well, may mga naghinala na baka si Vice Ganda ang sumasagot sa mga mapanlait na fan, ha!

Sey mo Ruru? Bianca naghahanap ng ka-date sa online

Masaya si Gil Cuerva sa kanyang naging date sa online dating show na ‘E-Date Mo Si Idol.’ Napili ni Gil ang isang Pinay mula sa California na si Yasmin na maka-bonding.

Sa kanilang date, napag-usapan nila ang kanilang personal background, life story, at pati na rin ang pagharap sa COVID-19 pandemic.

Sa Huwebes (July 2), 8pm, si Bianca Umali naman ang celebrity searcher na sasalang sa ‘E-Date Mo Si Idol.’ Kung gustong maka-e-date si Bianca, mag-iwan lang ng mensahe sa comments section ng kanyang Instagram post kung bakit ikaw ang karapat-dapat niyang piliin.

Naku, ano kaya ang masasabi ni Ruru Madrid? Well…

Carla natakot bumalik sa trabaho

Back to work na nga si Carla Abellana, at ibinahagi niya `yon sa kanyang mga follower sa kanyang YouTube channel. Ipinakita niya ang pinagdaanan sa pagbabalik sa trabaho.

“I did my own makeup today. Siyempre walang hair and makeup artist dahil quarantine pa. Today is the plug shoot for GMA’s 70th anniversary. Ito ‘yung official na ‘Back To Work Day’ namin ni Tom. Takot man tayo, gustuhin man nating mag-stay lang sa bahay pero kailangan nating…back to work,” sabi ni Carla.

Marami na ngang fan ang nag-aabang sa pagbabalik sa ere ng ‘Love of my Life’ na pinagbibidahan nila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.