Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tinitimbang ng boss: Lee, Magnolia bawas suweldo

0 66

LAHAT ng 12 ballclubs ng PBA, ramdam ang epekto ng tigil-laro ng Governors Cup bunga ng COVID-19 infections.

Bawas sa revenues, gate receipts at sponsorships, nagpapasuweldo pa ng players at staff.

Hagip din ito ang Magnolia.

“Kahit sinasabing malalim ang balon namin, hirap na rin kami,” anang governor ng Hotshots na si Rene Pardo.

Isa sa nakikitang paraan para makabawas sa bigat ng pinaluluwal ang hilingin sa players na magkaroon ng pay cut.

Related Posts

“Mahirap mang isipin, makikiusap kami sa players, ‘Papaano, puwede bang kalahati muna suweldo?’” lahad ng long-time executive.

Ilan sa superstars ng Magnolia sina Paul Lee, Ian Sangalang, Mark Barroca, Jio Jalalon at Calvin Abueva.

“Pero as much as possible ayaw naming isipin dahil ‘yung budget ng mga players may pinaglalaanan din mga ‘yan,” paliwanag ni Pardo. “Kahit na medyo malaki-laki kinikita nila, nagpapadala sa mga magulang o kamag-anak sa probinsiya. Iba lumalaki pamilya, nagpapagawa ng bahay. Eh, tigil ang construction ngayon so tumatakbo metro noon.”

“Kaya mahirap talaga. Talagang parusa.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.