Una sa Balita

Tingin sa bola lechon, adobo

0 284
ADIK sa bola kahit nu’ng bata pa si Fortunato Gan Co, Jr. o mas kilala bilang si Atoy Co at  ‘Fortune Cookie’.
Katunayan, kapag nakakahawak ito ng bola, para na daw siyang nakakain ng lechon at adobo.
“Nu’ng bata ako mahilig na ako sa bola, maliit o malaki nilalaro ko.  ‘Pag hawak ko na ‘yung bola ang saya ko. Para akong kumakain ng lechon at adobo,” tanaw-balik ng 67-anyos na ngayong isa sa mga haligi ng Philippine basketball.
Mula sa pagiging Most Valuable Player sa unang dalawang taong paglalaro sa  Mapua Cardinals sa loob ng tatlong taon at matagumpay na professional career sa PBA ay pinatunayan din ni Atoy na hindi lang siya pang-sports.
Matapos ang kanyang playing career, ipinakita din ni Co sa madla ang pagiging multi-talented sa pagpasok sa mundo ng showbiz.
Malayong-malayo sa pagiging barako sa loob ng playing court ay naging co-host si Co ng isang noontime show na Student Canteen habang madalas naman itong sidekick ng mga kilalang action star gaya ni Philip Salvador.
Taong 1998 nang sumabak naman ito sa politika nang mahalal bilang councilor ng Pasig City hanggang taong 2007 at muling naitalaga noong taong 2010.
Ngunit dahil parte na ng buhay ni Co ang basketball ay muli itong nagbalik sa hard court hindi bilang player kundi isang coach ng Mapua Cardinals mula 2012 hanggang 2018.
Bago rito, naging coach na rin noon si Co sa Crispa 400 Team ng Phillippine Basketball League mula 1989-1991.
Sa kasalukyan, naitalaga si Co nito bilang kauna-unahang commissioner ng UNTV Cup na itinatag noong 2013.
Gusto ni  ‘The Fortune Cookie’ ng isang simpleng buhay sa kanyang pagreretiro kung saan nais nitong bumili ng farm.
“Nu’ng bata ako mahilig na ako sa bola, maliit o malaki nilalaro ko. ‘Pag hawak ko na ‘yung bola ang saya ko. Para akong kumakain ng lechon at adobo.”
Q&A
Abante: Kung hindi ka naging basketball player, sino si Atoy Co?
Atoy: Siguro nasa probinsya naghahanap-buhay, naglilinis ng kalsada ng tricycle or baka na-pursue ko ‘yung engineering.

Abante: Sa dami ng achievement mo sa buhay, ano ‘yung pinaka-memorable?

Atoy: Nung naging Philippine Youth Team ako tapos naging MVP ako dito, ‘yun ginanap sa Pilipinas pati ‘yung PBA Grand Slam actually lahat memorable sa akin basta sa lahat ng achievements ko sa aking basketball career tine-treasure ko ‘yun.

Abante: Greatest Achievement mo sa iyong makulay na career?
Co: Napangasawa ko ‘yung asawa ko kundi dahil sa basketball hindi ko naman siya magiging asawa , pero kidding aside, siguro ‘yung nakasali ako sa Crispa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy