Una sa Balita

Tingin ni Altman, James mananatili sa Cavs walang iwanan!

By
0 2,585

SA hinaba-haba man ng prusisyon, mukhang sa Cleveland Cavaliers pa rin ang tuloy ni superstar LeBron James sa paparating na NBA season.

‘Yan ang tingin ni Cavaliers general ma­nager Koby Altman na kumpiyansang muling babalik para sa isa pang taon ang 4-time league MVP na si James.

“We continue to have good dialogue with his management team, I think LeBron has more than earned the right to approach his contracts the way he does. We want to respect his space during this process and I continue to have really good dialogue with his management team as he goes through that process,” pahayag ni Altman.

Maaaring gamitin ng 33-anyos ang player ­option at muling pumirma ng bagong kontrata sa Cavs na puwedeng umabot ng max ­contract na $209 million sa limang taon o one year plus player ­option muli.

Positibo rin ang Cleveland organization na may epekto ang pagsikwat nila kay guard Collin Sexton sa kakatapos lang na draft na magpapalakas sa mababaw nilang guard rotation.

“That (playoff) experience is amazing for them and their confidence level as they approach next year. And then Collin, we got to get there with experience as well. But like he (James) says, experience is the best teacher, and we gave those guys a great experience over 30 games and into the playoffs and into the Finals, and what does that mean for us ­mo­ving forward, I think it’s all really positive,” dagdag pa niya.