Una sa Balita

Ting may misyon vs Folayang

By
0 6

Hindi lang korona ang misyon ni ­Malaysian ­challenger Ev Ting, nais din nitong ­ipakita sa buong mundo ang ­kagandahan ng Mixed ­Martial Arts.

Ilang tulog na lang at magsasagupa sina ­defending champion Pinoy Fighter Eduard Folayang at Ting sa ONE: KINGS OF DESTINY sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Abril 21, (Biyernes).

“We’re all about building the sport not ­damaging the sport” saad ni Ting kahapon sa press conference sa Ballroom 1, Grand Ballroom, City of Dreams.

Ayon kay 33-anyos Folayang ng Team Lakay sa Baguio City, malaki ang maitutulong para sa mga Pinoy ang ­kanilang laban ni Ting dito sa ­Pilipinas.

“Alam kong mara­ming Pilipino ang ­aangat,” ani Folayang. “It is an honor to represent our country in this sport,”