Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tinedyer utas sa snatcher

0 206

Sinaksak ang isang menor de edad na lalaki matapos itong pumalag sa dalawang snatcher sa Lucena, Quezon, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Don Rosas Bulawan, residente ng Barangay 4 sa naturang siyudad.

Batay sa report ng Lucena City police, naglalakad ang biktima kasama ang kanyang kaibigan sa Merchan Street bandang alas-11:30 ng gabi nang bigla na lamang hablutin ng dalawang snatcher ang kanyang cellphone na tumilapon naman sa kalsada.

Bagamat hindi nakuha ang cellphone, hinabol ng dalawa ang mga suspek at nang maabutan nila ang isa ay binugbog nila ito.

Subalit biglang nagbunot ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima na tinamaan sa dibdib at nasawi na bago maisugod sa ospital.

Nakatakas naman ang dalawang suspek, at patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga ito. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.