Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tinedyer tiklo sa marijuana

0 156

Binitbit ng mga pulis ang isang 17-anyos na lalaki nang makapkapan ng marijuana sa Silang, Cavite.

Hawak na ng Department of Social Welfare and Development Authority ang suspek na si alyas Jake, ng Silang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni PMSgt. Robert Dimailig, ng Silang Municipal Police Station, alas-12:00 ng hatinggabi kahapon nang nagsagawa ng Oplan Bulabog ang mga tanod sa Barangay Narra 3.

Sinita ang suspek dahil sa paglabag sa curfew pero napansin ng mga tanod na tila may itinapon siya mula sa bulsa ng kanyang pantalon at nang kapkapan, nakuha sa kanya ang pinatuyong dahon ng marijuana na itinago sa papel. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.