Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tinedyer sinaksak ng 2 totoy

0 40

Dalawang totoy ang dinampot matapos ang mga itong manutok ng baril at manaksak ng nakaaway sa Norzagaray, Bulacan.
Kinilala ng pulisya ang dalawang 16-anyos na suspek na sina Pipoy at Bistek. Habang ang biktima naman ay isang 19-anyos na lalaki.

Sa report ng pulisya batay na rin sa isinagawang imbestigasyon, pauwi na ang 19-anyos na biktima dakong alas-12 ng madaling araw nitong Sabado nang bigla itong abangan ng mga totoy na suspek sa Barangay Minuyan. Armado ang mga ito ng improvised shotgun at patalim.

Tinutukan umano ng mga menor-de-edad na suspek ang biktima ng baril at saka ito sinaksak sa dibdib.
Matapos ang pananaksak ay mabilis na silang tumakas.

Agad na naisugod sa ospital ang biktima na kritikal ngayon.

Sa follow up operation ay nakorner ang dalawa.

Lumilitaw na dati nang magkaaway ang mga suspek at biktima.
Nasa pangangalaga ngayon ng municipal social welfare and development office ang dalawang suspek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.