Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tinedyer lumutang sa Tullahan river

0 36

Nasa stage of decomposition na ang bangkay ng isang 13-anyos na lalaki na pinaniniwalaang nalunod sa Tullahan River sa Malabon City.

Alas-7:30 kahapon ng umaga nang mamataan ni Evaristo Royo, 61, ang katawan ni Vincent Steve Lagrimas, ng Hernandez Street, Barangay Catmon na nakalutang na sa Dulong Ugnatan Street, Tullahan River, Barangay Concepcion, Malabon City.

Agad humingi ng tulong sa mga barangay officials si Royo at iniahon ang labi ng binatilyo.

Hinihinalang nalunod si Lagrimas at tinangay ng malakas na alon hanggang sa mapadpad sa Barangay Concepcion. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.