Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tinedyer, lider ng sindikato bagsak sa Cavite buy-bust

0 125

ISANG 14-anyos, anim na kababaihan at ang leader ng Villamor Drug Group ang kabilang sa 46 binitbit ng Cavite Police sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan ng Cavite, Sabado ng madaling araw.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy bust sa pagitan ng ala-1:10 Biyernes ng hapon hanggang ala-1:30 Sabado ng madaling araw sa anim na Lungsod at sampung bayan sa Cavite.

Sa Bacoor City, Cavite, nakipag-transaksiyon ang isang 14-anyos na menor de edad kasama ang isang Noryll Tan, 19 at Victor Austria, 33 sa isang poseur buyer na kanilang ikinaaresto. Narekober sa kanila ang 6 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P40,800.

Natiyempuhan naman ang leader ng Villamor Drug Group na si Raymund Villamor alias Dureymom, 36 ng Tagaytay City, Cavite sa Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Tagaytay City Police sa Bgy Tolentino East na ikinadakip ng lider.

Nakuha kay Villamor ang 4 hinihinalang sachet ng shabu, 1 kalibre 38 na baril at buy bust money.

Nanguna naman ang Bacoor City sa may pinakamaraming bilang ng tulak ang naaresto na 12; sumunod ang Dasmarinas City at Carmona na tig-anim; habang tig-tatlo ang General Mariano Alvarez, Naic at Imus City; tig-2 naman ang Silang, Gen Trias City at Trece Martires City habang tig-isa ang Gen. Emilio Agunaldo, Amadeo, Rosario, Mendez, Ternate, Tagaytay City at Kawit o kabuuang 46.

Sa nasabi ring buy bust operation, anim dito ay kababaihan mula sa Gen Trias City at Naic na tig-dalawa, habang tig-isa ang GMA (1) at Carmona. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.