Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tinedyer ginahasa ng 70-anyos

0 193

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 13 ang isang 70-anyos na lolo na nasa top 1 most wanted Person sa PRO3 dahil sa 2 counts ng rape sa Porac,Pampanga.

Ang suspek na si Victor Carlos, taga-28 Hen. Luna, Brgy Babo, Porac Pampanga ay naaresto ala-1:30 ng hapon sa kanyang bahay kamakalawa.

Si Carlos ay inaresto sa bisa ng inisyung warrant of arrest. Walang inirekomendang piyansa sa kalayaan ng suspek na inireklamo ng panggagahasa ng isang menor de edad.

Nasa kustodiya ngayon ng MPD-PS13 ang suspek at nakatakdang i-turn over sa korte. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.