Una sa Balita

Tindig Marawi project nina Sharon, Robin suportado ng netizens

By
0 2,844

Non-stop ang pasasalamat ni Sharon Cuneta sa patuloy na pagbuhos ng tulong para sa Tindig Marawi kahit tapos na ang kanyang birthday. Sa halip kasi na materyal na bagay eh, donasyon para sa Marawi ang kanyang hiniling sa mga kaibigan.

Para kay Shawie, ito na ang pinakamasa­yang kaarawan niya. Kantahan kasi ang naganap sa kaarawan niya at sing to death ang mga friends niyang dumalo.

Ilan sa pinasa­lamatan ni Shawie ay ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde na nagpadala ng bulaklak. Maging ang anak-anakan niyang sina Julia Barretto at Joshua Garcia ay hindi nakalimot sa kanya.

Ipinagmalaki rin niya ang regalo ng ina­anak na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

“I looooove hydrangeas so much that I had them stenciled on the walls of my guest banyo in my former condo unit. I’ve been eyeing all of em Gucci with prints like this. The Flora Vida flowers are so nice and makes me happy knowing they will last long and will keep reminding me of your thoughtfulness. Thanks so much! I love you,” caption ni Sharon.

Nagbigay rin ng regalo sa kanya ang BFF na si Ai Ai delas Alas. At para maging transparent, pinasilip ng megastar ang mga sobre ng donasyon at tinag si Robin Padilla na nangunguna sa adbokasiya para sa Tindig Marawi.

Anyway, ngayong Sabado, January 13, kick off na ng Sharon 40th Mega Philippine Tour sa Waterfront Hotel Grand Ballroom kung saan sold out na ang tickets.