Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tindero kinabog doktor sa pagka-mayor

0 58

Hindi naging hadlang ang kakulangan sa edukasyon para ipursigi ng isang tindero ang pangarap na makapagsilbi sa kanilang bayan kaya tahasang inilaban ang sarili sa pagka-alkalde sa Dolores, Eastern Samar.

Siya si Rodrigo “Onoy” Rivera, 62-anyos, nanilbihan bilang barangay chairman sa loob ng siyam na taon sa Gap-ang, Dolores at matapos ang kanyang termino noong 2010 ay nakatutok na siya sa pagtitinda sa public market ng mga gulay at isda.

Nakatapos si Rivera ng second year high school at nanalo bilang alkalde ng Dolores laban sa isang doktor.

Kulang man ang makinarya at pondo para mangumbinsi ng mga botante pero nagawa niyang itayo ang sarili at ipinakilala ang tunay na hangarin sa pagkandidato.

Hindi man pinalad ang kanyang kalaban sa politika na si Zaldy Carpeso ay makakasama naman ni Rivera ang kapatid nito na si outgoing mayor Shonny Carpeso na tumakbo naman bilang vice mayor.

Sa ngayon ay naghahanda si Rivera ng mga plano para sa problema sa drainage, streetlights, classrooms at hospitals. Magpo-focus din ang kanyang administrasyon sa livelihood programs, peace and order sa tulong ng military at police force. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.