Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tindera sa palengke niregaluhan ng makeover

0 342

Isang tindera sa palengke sa Pampanga ang maswerteng niregaluhan ng bonggang makeover nang malaman ng hair and make-up stylist at vlogger na si Richard Strandz na magde-debut na ang dalaga.

Nakuha umano ng tindera na nakilalang si Angel, ang atensyon ng team ni Strandz kaya ito ang napili para i-transform at ilabas pa ang kanyang ganda.

Kasama rin sa makeover ang ina ng 17-anyos na si Angel na laking pasasalamat sa nakuhang regalo.

Pero hindi lang ito ang ibinigay sa dalaga dahil bukod sa makeover ay tinuloy na rin ni Strandz ang pagtulong nang bigyan din si Angel ng pre-debut photoshoot. Sinagot ito ng mga sponsor ni Strandz kasama pa ng mga damit na sinuot ni Angel.

Dahil dito, lumutang pa ang ganda ni Angel na todo ang pasasalamat kay Strandz dahil pinangarap lang umano niya ang mag-debut at photoshoot.

Una rito, naging viral na rin si Strandz dahil sa pagtulong niya sa mangangalakal na si Dennis Pascual na natulungan niya rin matapos bigyan ng makeover.

Leave A Reply

Your email address will not be published.