Una sa Balita

Tindera ng isda may anak na future doctor

0 492

Nakapagtapos ng pag-aaral sa medical school si John Nico Ronquillo sa tulong ng kanyang ina na tindera lamang ng isda sa palengke.

Kahit isang solo parent, pinilit ng 55-anyos na si Nanita Ronquillo na makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang anak.

Gumigising siya ng alas-singko nang umaga araw-araw para magtinda ng isda sa palengke kahit na may problema din siya sa puso.

Kapag kinakapos sa panggastos, pinatitigil muna ni Nanita sa pag-aaral si Nico.

Ginawang inspirasyon naman ni Nico, 30anyos, para makatapos ng pag-aaral ng medisina ang pagsusumikap ng kanyang ina.

Aniya, bata pa lamang siya ay gusto na niyang maging doktor o kaya ay abogado.

Sa kanyang pagtatapos, umaasa si Nico na hindi na mamaliitin ang ibang tao ang kanyang ina. Kasalukuyang medical intern ngayon si Nico.

Kapag ganap na naging doktor, sinabi ni Nico na hindi na niya pagtitindahin ng isda sa palengke ang kanyang ina.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy