Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tinapunan ng basura

0 223

Napanaginipan ko po na binuksan ko ang bag ko tapos punong-puno ng basura, sobrang baho daw kaya naglayuan ang mga katabi ko. Hindi ko maisip kung saan galing ang basura pero pagtapos daw nun ay imbes na mandiri, tinapon ko na lang ang mga basura sa tamang tapunan. Iba-ibang klase ng basura ang nilagay sa bag ko, may plastic, tuyong dahon, tapos may sapatos pa. May sinisimbolo rin ba ‘to?

– Vince

Magkakaiba ang kahulugan ng basura sa panaginipin depende sa kung ano ang ginagawa ng nananaginip at kanyang mga priority sa totoong buhay.

Mayroong nagsasabi na ito ay simbolo ng pagkakaroon ng energy crisis sa buhay mo, kaya nagbibigay ng mensahe ang panaginip mo na dapat ay magkakaroon ka ng self-evaluation para tingnan kung saan ka nagkukulang at saan ka naman naglalagay ng sobrang effort.

Ito ay para magkaroon ng balanse sa energy mo at priority sa lahat ng aspekto tulad ng relasyon, pag-aaral o trabahao, self-care, kaibigan at maging sa paghawak mo ng kaperahan.

Kung napanaginipan mo ang sarili mong basura, nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng paglaki ng hawak mong pera, pero kapag hindi mo naman kilala kung sino ang naglagay ng basura sa bag mo, sinasabi nito na makakadiskubre ka ng mahalagang bagay na magpapabago ng buhay mo.

Kapag nangongolekta ka naman ng basura sa iyong panaginip, sina-suggest niyo na pakiramdam mo ay walang kahulugan ang ginagawa mo kaya humahanap ka ng paraan para magkaroon ito ng halaga.

Dapat mo ring ikonsidera ang naging feelings mo sa iyong panaginip dahil kung maganda ang pakiramdam mo, sinasabi nito na dadami pa ang anumang pagmamay-ari mo ngayon, pero kung hindi ka naman komportable sa naging panaginip mo, nangangahulugan ito na iniisip mong may kulang sa iyo na meron sa iba.

Bantayan mo ang sarili upang hindi mabaling ang atensyon mo sa iba at makabuo ng inggit.

Isa pang mahalagang pwedeng ikonsdira na mensahe ng panaginip mo ay pagaalis sa spiritual garbage mo o kaya naman ay mga bagahe sa buhay mo na nagpapabigat sa iyo ngayon.Posible ring makaranas ng conflict sa relasyon sa kapwa at problema sa pera.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.