Una sa Balita

Tinamaan ng nCoV sa China 31K na

0 373

UMAKYAT na sa 31,000 ang kumpirmadong kaso ng 2019-Novel Coronavirus sa mainland China Biyernes ng umaga.

Ayon din sa Chinese government, nasa 636 na ang namatay sa Hubei province kung saan matatagpuan ang Wuhan City na pinagmulan ng virus.

Sa pangkalahatan, nasa 636 na ang patay habang 31,000 na ang nahawa sa 2019-nCoV, ayon naman sa mapa ng Johns Hopkins University – Center for Systems Science and Engineering (JHU-CSSE).

Samantala, Pebrero 5 nang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang ikatlong positibo sa 2019-nCoV sa Pilipinas, na isang 60-anyos na babaeng Chinese.

Umakyat naman sa 178 kahapon, Pebrero 6, ang mga iniimbestigahan sa Pilipinas dahil sa nasabing virus. (Riley Cea)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More