Una sa Balita

Tinamaan ng kalamidad ilibre sa taas singil sa matrikula

0 251

IGINIIT ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Ela­go ang agarang pagpapatupad ng moratorium sa tuition fee increase at iba pang kahalintulad­ na bayarin sa lahat ng mga naapektuhan ng kalamidad tulad ng pagputok ng bulkan at tinamaan ng bagyo at lindol sa Mindanao.

“Apart from our efforts and calls to provide immediate relief­ and fast release of aid to all affected commu­nities, a tuition morato­rium is necessary to give the people, espe­cially the parents and students, a much-needed­ respite as they rebuild their homes and their lives while ensuring learning continuity,” giit ni Rep. Sarah Elago

Ayon sa kongresista,­ ang mga bagyo at lindol na tumama sa bansa noong nakaraang taon ay nag-iwan ng bilyong­ pinsala sa mga eskuwelahan, ospital at tahanan na kung saan libo-libo ang inilakas kabilang na ang mga guro at estudyanteng nahinto sa pag-aaral.

Gayundin sa pagpu­tok ng Taal Volcano ay inulat ng Department of Education na umabot sa 2.4 milyong estudyante ang naapektuhan kabilang ang 1,055 kawani at 30,814 learner mula sa 78 public school sa may 14-km radius danger zone ng bulkan.

Bukod pa ito sa sa 1,600 classroom mula sa 141 kalapit na public school na nakapag-accommodate ng mahigit 58,000 katao.

Tinukoy pa ng kongresista ang nasa higher education, na kung saan ay nasa 1.7 milyon ay naka-enrolled sa private institution mula sa kabuang bilang ng estudyante na 3.2 milyon.

Dahil dito, kailangan­ umano ang suporta ng Kongreso partikular ang pagpapalakas pa ng oversight on calamity and quick response funds (QRFs).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More