Una sa Balita

Tinamaan ng COVID-19 lumobo sa 380

0 593

Umakyat na sa 380 ang bilang ng mga taong nagpositibo sa corinavirus disease 2019 matapos na madagdagan pa ng 73 bagong kaso nitong Linggo nang umaga.

Ayon kay Health Spokesperson at Usec Ma.Rosario Vergeire , umakyat naman sa 25 ,ang bilang ng mga nasawi mula sa 19.

Sa kabila bito,nadagdagan naman ng 2 ang nakarekober dahilan para umabot na sa 15 katao ang gumaling.

Sinabi ni Vergeire na nababawasan na ngayon ang backlog ng resulta ng Research Institute for Tropical Medicine(RITM) dahil sa mga nagdatingan na test kits.

Nagiging mabilis na ngayon kaya nagpapasukan na ang mga resulta.

Sinabi rin ni Vergeire na wala pa silang detalye sa mga nadagdag na namatay partikular na sa mga doktor dahil data lamang ang pumasok sa kanila.(Juliet de Loza-Cudia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More