Una sa Balita

Tinalo si Selena: Cristiano ‘most followed person’ sa Instagram

By
0 367

Hindi na pala si Selena Gomez ang ‘most followed person’ on Instagram. Naungusan ang 144,411,753 million follower ni Selena ng Portuguese soccer star na si Cristiano Ronaldo with 144,601,484 million followers.

Dalawang taon ding nahawakan ni Selena ang title na ‘most followed person’ on IG. Since 2016 ay dinagsa ng mga follower ang singer at kinabog pa nito ang kaibigan niyang si Taylor Swift na may 112,766,204 million follower lamang.

Pero dahil sa mga personal health problem ni Selena kaya naging inactive ito sa social media. Nagsimula siyang magpaalam noong katapusan ng September.

Naospital ang singer ng dalawang beses dahil sa ‘alarmingly low white blood cell count’.

Kaya naman namayagpag si Ronaldo sa IG dahil sa mga kontrobersiya niya tulad ng kaso niya sa kanyang mga tax at ang pag-akusa sa kanya ng isang babae of sexual assault.

Dumami ang mga follower ni Ronaldo para makakuha sila ng update sa kanyang controversial life. Ang latest na post ni Ronaldo ay nasa isang sports event siya sa Peru at nakakuha ito ng 5.6 million likes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy