Una sa Balita

Tinalakan ng mga fan ni Catriona: Clint papansin, malandi

By
0 836

Under scrutiny ngayon ang boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na si Clint Bondad dahil sa pag-post nito ng isang racy photo sa Instagram noong nakaraang December 25.

Pinost ni Clint ang isang photo na nakatalikod siya sa salamin at naka-underwear lang siya. Pinapakita niya sa photo ang kanyang “sexy back”.

“Merry Christmas Philippines. Don’t break the internet! Truly inspired by the swimsuit competition. So liberating!” caption pa niya.

Kung may mga natuwa dahil sa magandang panga­ngatawan ni Clint, marami naman ang hindi nagustuhan ang ginawa niya dahil hindi raw ito proper beha­vior lalo na’t girlfriend pa nito ang bagong korona lang na Miss Universe.
Baka raw mag-reflect kay Catriona ang mga pino-post niya na sexy photos sa social media.

“@clintbondad you wont like my comment but hey… you chose to be still in a relationship with the Miss Universe and somehow the way you are posing and posting here in IG is somehow not the kind of post we expect from the boyfriend of our Miss Universe,” comment ng isang netizen.

Wala naman daw nakikitang masama si Clint sa pinost niya sa IG. Katuwaan lang daw iyon at hindi raw niya kailangan ng approval ni Catriona para sa mga pino-post niya sa IG account niya.

“Thanks for the reply. Just have a little laugh and get over it. Its supposed to be funny if you let it. Besides, its my IG and its not like Catriona is now the queen of England wearing white gloves to the elbows. She also has a ton of underwear pictures floating around…

“I think its a bit sexist to say that the guy all of a sudden can’t. But thanks again and have a wonderful Merry Christmas,” reply pa ni Clint.

Tinawag tuloy si Clint ng ibang netizen na “attention seeker” at isang “flirt”.

“This guy only follows Catriona but reply to every single girl that comments in his picture,” comment pa ng isa pang netizen.

Sagot naman ni Clint: “check again… But thanks for the fake news.”

Inaasahan daw ng marami na dahil kilala siyang boyfriend ni Catriona, magbe-behave ito habang Miss Universe ang kanyang girlfriend.

Kung titingnan ang mga past post ni Clint sa IG, nakakarami ang mga post niyang nakahubad siya ay pinapakita niya ang kanyang maskuladong katawan.
Matagal na raw siyang nagpo-post ng mga ganung photo even before na manalo si Catriona bilang Miss World Philippines noong 2016 at Miss Universe title nitong 2018.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy