Una sa Balita

Timor Leste trending kasi wala pang medalya

0 450

NAKAKATUWANG makita ang trending topic sa social ­media hinggil sa Timor-Leste.

Sa 11 bansa na ­kasali sa SEA Games, hanggang sa Day 3 kahapon ay Timor-Leste na lang ang wala pa kahit anong kulay na medalya.

Humahataw ang host Philippines sa ­medal standings, siyempre pa ay walang pagsidlan sa tuwa ang Filipinos.

Pero marami ang nag-tweet ng suporta sa Timor-Leste, ang bansang 20 taon pa lang naitatatag. Tsini-cheer ng mga ­Pilipino ang Timor-Leste, ­suportado pa ang mga atleta nito.

Pinakamaliit ang delegasyon ng ­Timor-Leste, umabot lang sa 48 ang ­ipinadala na makikipag-compete sa 10 sports.

Ang mga East ­Timorese pa ang ­delegasyon na unang dumating sa Manila dalawang linggo bago ang Games. ­inasistehan sila ng Philippine Sports Commission sa training at accommodation.

Noong 2017 ­edition ng Games, ­naka-tatlong bronze medals ang East Timorese at tumapos ng dead-last 11th. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More