Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Timing sa ‘Father’s Day’ Julia binuking ang ‘anak’ ni Gerald

0 812

Tatay na pala si Gerald Anderson. At binuking `yon ni Julia Barretto.

Kaya naman kasabay ng pagdiriwang ng ‘Father’s Day’ ay binati rin ni Julia ang boyfriend niya.

At yes, ang laki-laki na pala ng ‘baby’ ni Gerald, ha! Astig na astig at machong-macho na pala.

“Happy PAWther’s Day @andersongeraldjr!” ang buong ningning na bati ni Julia kay Gerald.

Yes, PAWther na nga si Gerald ng isang pagkalaki-laking ‘dog’ na ang tingin ko ay isang ‘labrador’ na kulay itim.

Siyempre, aliw naman si Gerald sa greeting na `yon ni Julia.

Hahahaha with matching pulang puso nga ang komento niya sa IG story na `yon ni Julia.

Siyanga pala, puwede ring isipin na sosyo sina Julia at Gerald sa bagong negosyo. Yes, super proud nga si Gerald na negosyante na ang dyowa niya.

“Congrats lady boss!” sabi ni Gerald.

Hindi nga pinalampas ni Gerald ang pagkakataon, na naglaan talaga siya ng oras para masahaman ang mahal niya sa grand opening ng negosyo nito.

“Yesterday was a dream. Thank you for dropping by on the opening day of our first ever pop up store! We love you thank you for everything this wouldn’t have been possible without your support. Our pop up will be in Trinoma, Level 2 until June 25th. See you guys! @thejujuclub.co,” sabi ni Julia.

“Just a couple more photos from yesterday’s pop up launch. A day to remember. Thank you everyone. Any suggestions where we should go next?” say pa ulit ni Julia.

Well, preparation na nga ba ito sa pagpapakasal? Di ba nga, aminado naman si Julia na gusto niyang mag-asawa ng maaga, at bet na rin niyang magkaanak agad-agad! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.