Una sa Balita

Time to shine si Mau

0 221

Kamusta kayo YANGsters? Paksa tungkol sa volleyball ang ating tatala­kayin ngayong Linggo.

Pero bago ang lahat, gusto ko munang batiin ang aking mabait na editor na si Ferdz Delos Santos sa pagbibigay ng pagkakataon sa akin na maipahayag ang aking opinyon sa ilang mga paksa na in-return ay maibabahagi ko rin sa inyo mga tunay na Tabloidista!

Every Sunday, samahan n’yo ako sa ating linguhang kuwentuhang sports. It’s a date.

 ***

Isa sa naging usap-usapan nitong nakalipas na linggo ang paglipat ni Fil-Hawaiian wing spiker Kalei Mau sa F2 Logistics Cargo Movers, tatlong araw bago magbukas ang Philippine Superliga All-Filipino Conference 2019 noong Hunyo ­a-kinse.

Isa sa dahilan nang paglipat ni Mau ay ang hindi na pagsali sa liga ng kanyang former team United Volleyball Club na huling tinulungan ng 6’2” spiker sa 5th place finish noong nakalipas na PSL Grand Prix.

Well, kung ako man siguro si Mau at hindi na sasali ang team ko, ay hahanap din ako ng ibang malilipatang team na alam kong maipapamalas ko ang aking talento at husay sa volleyball.

Sa pagdating ni Mau sa Cargo Movers ay hindi maikakaila na nadagdagan ng power hitters at lider ang koponan na makakatulong ng La Salle-dominated team sa asam na makabalik sa tuktok ng PSL All-Filipino Conference na huling inuwi ang korona noong 2016.

Noong Martes lang ay pinatunayan ni Mau na deserving siya sa offer ng F2 nang humataw siya ng game-high 17 points mula sa 14 attacks, 2 aces at 1 block sa laban kontra PLDTHome Fibr Power Hitters.

Isang matamis na debut para sa Fil-American spiker para makakuha ng momentum sa mga susunod pa nilang laban.

Bagama’t ito ang sophomore year ni Mau sa PSL, agad namang nasilip ng National Team ang talent ng half-Filipina player na pasok din sa national training pool ng Philippine Women’s Volleyball team para sa 2019 Southeast Asian Games.

 Everything happens for a reason talaga noh?

Sabi nga, “kapag may nagsarang pinto, ay may magbubukas na bintana.”

***

Sa may mga suhestiyon para sa mga future topic natin, maaari ninyo akong i-email sa mallare.arianne@gmail.com or puwede ninyo rin po akong i-follow sa: Twitter: @ariannemallare o Instagram: @sagittarianne.

Huwag din ninyong kalimutang i-follow ang @AbanteNews sa Twitter para lagi kayong updated sa latest issues.

Abangan ninyo po ulit ang ating next ­column sa susunod na Linggo, salamat!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy