Una sa Balita

Tim Tebow papalo para sa Pilipinas

0 259

INIHAYAG ng World Baseball Classic kahapon na nakatakdang magsuot ng uniporme ng Pilipinas ang Mets minor league outfielder­ na si Tim Tebow para sa nalalapit na pagsabak ng bansa sa World Baseball Classic qualifiers.

Ang 32-anyos na si Tebow ay isinilang sa Pilipinas noong Agosto 14, 1987 matapos na ang kanyang mga magulang ay magtungo sa bansa upang magtayo ng kanilang ministry.

Ang mga Tebow ay nagbalik sa Florida noong tatlong taon pa lamang si Tebow.
Si Tebow ay kagaga­ling pa lamang sa ma­tinding 2019 season sa paglalaro sa Triple-A Syracuse.

Magsasagupa ang Pilipinas at Czech Republic para painitin ang pagbubukas ng WBC qualifying round sa Marso 20 bago ang sagupaan sa pagitan ng Spain at New Zealand sa gabi.

Ang sitwasyon ni Tebow na purong Amerikano ang mga magulang ay una para sa Pilipinas. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More