Una sa Balita

Tila nasa alapaap: Kelot swak sa marijuana

By
0 205

ISANG lalaki ang inaresto ng mga awtoridad matapos na mahuli sa aktong may posesyon ng pinatu­yong marijuana sa lungsod ng Malabon kahapon nang madaling-araw.

Sa ulat nina PO1 Eric Reyes at PO1 Fede­rico Pineda ng Malabon City Police ay ganap umanong ala-1:30 nang madaling-araw nang maaresto ang suspek na si Jimboy Diestra, 21-anyos, binata, walang hanapbuhay ng P. De Guzman Street, Barangay Ibaba ng nasabing lungsod sa kahabaan ng Herrera Street ng nasabing lugar.

Kasalukuyan umano noong nagsasagawa ng beat patrol ang mga tauhan ng nasabing himpilan nang mapansin nila ang suspek na tila nasa alapaap na naglalakad-lakad sa nasabing kalsada habang sinusuri ang isang plastic sachet na kanyang hawak-hawak.

Nang kanila itong sitahin ay doon na nila napag-alamang pinatu­yong mari­juana pala ang sinusuring iyon ng suspek, agad nila itong dinakma at binitbit sa himpilan ng pulisya na hindi na rin nagawa pang manlaban.