Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

TikTok star Patrick Ramirez hubadero na

0 100

Pasok sa top 16 ng Century Tuna Superbods 2022 ang TikTok Star/Athlete/Runway Model na si Patrick Ramirez. Usap-usapan nga ngayon ng mga netizen lalo na ng mga chismosa nating kapitbahay ang total transformation ni Patrick.

Kung dati mapapanood sa kanyang mga Tiktok videos ang pa-tweetums at baby boy be like, ngayon ay hubadero na ang nasabing Tiktoker.

Bago natin tuluyang usisain si Patrick atin munang alamin kung sino nga ba ito at paano siya nakilala.Tubong Quezon Province pero laking Maynila ang binata at nagsimula bilang isang atleta sa kaniyang pinapasukang unibersidad.

Hindi nagtagal ay unti-unti rin napasok ni Patrick ang industriya ng showbiz at minsan na rin natin siyang nasubaybayan sa programang ‘Walang Tulugan’ ni German Moreno o mas kilala sa tawag na Kuya Germs.

Hindi lang ‘yan dahil bukod sa pag-aartista ay sumabak rin sa pagmomodelo si Patrick pero hindi man ito ganun pinalad sa kaniyang showbiz career maswerte naman ito sa ibang aspeto dahil nakapagtayo na rin ito ng kaniyang sariling negosyo.

Going back to the present sikat na sikat nga ngayon sa social media si Patrick dahil bukod sa kaniyang angking kagwapuhan pantasya rin mg mga kababaihan ang pagiging isang boyfriend material niya at hindi lang yan kung dati ay wholesome at amboy ang image ni Patrick ngayon ay pinaglalaway na niya ang sangkabekihan sa kaniyang hot na hot na pangangatawan.

Kaya naman hindi malabong makapasok siya sa Top 16 ng Century Tuna Superbods 2022.Matindi ang kumpetisyon ngayon dahil karamihan sa mga kalahok sa Male Category ay mga kilalang personalidad na gaya nina Kirk Bondad, Lourd Ramos, Jaime Santamaria, Anjo Resurrecion, Paul Pedley at marami pang iba.

Samantala kaabang-abang talaga ang tatanghaling pinakabagong Adonis at siguradong babaha ng abs at muscles sa coronation night ng Century Tuna Superbods 2022.

Leave A Reply

Your email address will not be published.