Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tiktok pa more: Denise sinampal ng anak

0 194

Naloka si Denise Laurel nang makatikim siya ng sampal mula sa sarili niyang anak na lalake.

Kitang-kita sa video na pinoste ni Denise ang pagdapo ng kamay ng anak sa bahaging gilid ng kanyang mukha.

Pinoste ni Denise ang TikTok performance niya sa Instagram.

Hindi pa man natatapos ang TikTok, biglang lumagapak ang kamay ng anak sa mukha nya at saka sumingit sa video. Naloka si Denise sa nangyari at makikitang pinilit nitong maaaliw na lang.

Natuwa kasi ang bata sa nakita niyang pagti-TikTok ng ina, kaya ginustong sumali sa video. Bumawi naman sa anak si Denise, dahil sa second video itinulak niya ang pisingi ng anak.

Pero tumakbong binalikan ang bata at niyakap ito, hinalikan, tanda ng pagsisisi sa ginawa niya. Parte ng lambingan at laro ng mag-ina ang nangyari.

***

Isabelle, Adrien nagtalo dahil kay baby boy

Nakakagulantang ang rebelasyon ni Isabelle Daza tungkol sa kanyang anak na lalake na si Balthazar, at ang namumuong isyu sa kanila ng kanyang asawa.

Base sa mga sinabi ni Isabelle, may indikasyon na posibleng maging ‘bading’ ang kanyang anak na lalake.

Sa part 3 ng vlog interview ni Isabelle sa kanyang YouTube channel, sa sikat na parent educator na si Janet Lansbury, umikot ang usapan tungkol sa behavior ng mga bata at paano hahawakan ng mga magulang ang sitwasyon.

Nagtanong din si Isabelle kung kaninong disciplinarian style ang dapat sundin para ‘di maguluhan ang bata, ang sa nanay ba o tatay?

Dito binanggit ni Isabelle ang tungkol sa tanong ng anak niyang si Bhaltazar kung puwede ba itong maging “girl”.

Sinabi ni Isabelle na magkasalungat ang naging sagot nila ng kanyang asawa na si Adrien Semblat sa tanong anak.

Sinagot ni Isabelle ang anak na puwede itong maging girl.

“But you’re a boy,” naman ang sagot ng mister ni Isabelle.

Sabi ni Isabelle, walang problema sa kanya kung piliing maging babae ng anak. Handa siyang bilhan ito ng mga pambabaeng laruan o damit.

Pero ang asawa niya ay kontra sa pagkunsinti niya sa kanilang anak.

Sa paglalahad ni Isabelle ng conflict sa kanila ng mister niya, dahil sa pagpapaalam ng anak kung pwede ba itong maging babae, lumalabas na nalantad sa madla ang ideyang maari o posibleng lumaking beki ang anak nito.

Anyway, bata pa lang naman si Balthazar at maaring magbago pa ang gusto nito.

***

Ayaw patalo kay KZ: Moira nakipag-collab kay Pink Sweats

Hindi nagpatalbog si Moira dela Torre kay KZ Tandingan!

Kung si KZ ay nabiyayaan na kantahin ang ‘Gabay’ na kasama sa soundtrack ng Raya and the Last Dragon ng Disney, may pasabog din si Moira.

Ipinagmalaki nga ni Moira ang duet collaboration nila ng international singer, songwriter na si Pink Sweats. Ang Warner Music Philippines ang nagsilbing tulay sa collaboration na ito.

Mapapanood sa mga social media platform ang vide music collab ng dalawa. Nakaposte rin ito sa Instagram ni Moira.

***

Mylene gaya-gaya kay Halle Berry

Gustong bang gayahin ni Mylene Dizon si Halle Berry na sa edad na 54 ay nagi-skateboard pa? Sa pinoste ni Mylene sa Instagram, mapapanood na gumagalaw ang katawan ng aktres sa pag-slide ng mga paa niya.

Hindi makikita ng buo ang ginagawa ni Mylene pero maririnig ang tunog ng mga gulong ng skateboard. Nasa hashtag din ang salitang “surfskate”.

Parehong nakakahiligan nina Halle at Mylene, ang diperensya lang mas astig, kahanga-hanga at totoong nakapagpatakbo ng skateboard ang Hollywood actress.

Sa pinoste nitong video sa Twitter, in full shot na makikita na nagpapaandar ng skate board si Halle. Naka-bikini ito, mid-rib t-shirt at sunglass. Nagmukhang bata at chill si Halle sa paningin ng mga netizen.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.