Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tiktok Dub King patay sa Severe Typhoid Fever

0 1,056

Nagluluksa ang mga TikTok user, subscriber, sa biglang pagpanaw ng content creator na si Jules Eusebio o mas kilala online na ‘The Dub King.’

Ayon sa source na maapit na kaibigan ni Jules, nagkaroon ng severe typhoid fever ang TikTok star na naging dahilan upang bumigay ang kanyang katawan.

Nakilala si Jules online dahil sa kanyang mga nakakaaliw na video kung saan dina-dub niya ang mga sikat na linya ng mga celebrity sa isang programa sa TV o pelikula.

December 14, 2021 nang maimbitahan sa Eat Bulaga si Jules bilang isa sa mga guest sa segment na “Bawal Judgmental”. Dito niya na-meet ng personal ang original Dubsmash queen na si Maine Mendoza.

Naiyak pa nga si Jules nang makita at makausap ng personal si Maine.

Kuwento pa noon ni Jules: “Nag-start ako Dubsmash pa lang siya, 2017, so nung nagkaroon ng TikTok nilipat ko ‘yung account ko doon so ‘yun talagang sinusundan ko ‘yung consistent yapak ni Ms. Maine.”

May higit na 826.3K followers with 17.5 million likes ang TikTok account ni Jules. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.