Una sa Balita

Tiklop ni Pacquiao kay Horn, Roach ang sinisi

By
0 2,758

MATAPOS ang halos 18 taon, nakatakda nang maghiwalay ng ­landas ang Hall of Fame American trainer na si Freddie Roach at ang numero-uno niyang champion ­boxer na si Emmanuel Pacquiao.

Ganoon ang nais mangyari ng promoter ni Pacquiao na si Top Rank CEO Bob Arum ng Estados Unidos at adviser na si Michael Koncz ng Canada.

Sa panayam ng Los ­Angeles Times kay Roach, sinabi ng 57-­anyos na boxing trainer na limang beses na niyang sinubukang tawagan ang dating eight-division world professional boxing champ. Pero hindi sinasagot ang kanyang mga tawag.

“I usually leave him alone ­until I hear from him, but I’ve called him five times and haven’t heard back. Maybe he changed his number,” dismayadong wika ni Roach, na kinuha ni Pacquiao noong 2001.

Sinisisi nina Arum at Koncz si Roach sa anila’y maling diskarte nito sa pagkatalo ni Pacquiao kay Jeff Horn noong Hulyo 2017 sa Brisbane, Australia.

Tingin ni Arum, masyadong kumpiyansa si Roach sa naturang laban at hindi nagrereklamo sa refe­ree sa mga ‘dirty tactics’ ni Horn kay Pacquiao.

“What the hell is wrong with that corner? Why wasn’t Freddie Roach out in the ring between rounds yelling at the referee? It’s his job, and there’s confusion in the corner with the languages, with Buboy and Miguel Diaz yelling and screaming like a maniac,” giit ni Arum.

Sinegundahan ito ni Koncz at sinabing walang diskarte si Roach.

“The corner didn’t have a stra­tegy. They were all amazed Horn was such a tough, rugged fighter and they didn’t adapt to it,” bigkas ni Koncz.